Excited na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na maging bahagi ng pelikula na tumatalakay sa kabayanihan ni Andres Bonifacio.

“It’s going to be challenging, but I hope I can give justice to the role of Bonifacio. I hope to live to the expectations of our moviegoers,” pahayag ni Yorme sa isang panayam sa Bonifacio Shrine sa Manila.

Kilala bilang Ama ng Rebolusyong Pilipino, pinamunuan ni Bonifacio ang kilusan na naghangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya. Nagsimula ang kanyang krusada sa Rebolusyong Pilipino 123 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Isko, 46, may pagkakatulad ang kanilang katangian.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kapwa ipinanganak sa Tondo, Manila sina Bonifacio at Moreno.

“He was a theater actor while I became an actor. He served the people and in my case, I have been in public service for 23 years now,” saad pa ng city mayor.

Nang matanong sa kanyang shooting schedule: “When I said yes to Dondon Monteverde and Erik Matti, I told them that my constituents are my number one priority. So perhaps I can shoot at night.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging bahagi si Moreno ng proyekto na tumatalakay kay Bonifacio.

Noong 2014, gumanap si Yorme na Padre Burgos sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” kung saan gumanap na bida si Robin Padilla.

Nang matanong naman tungkol sa kanyang leading lady para sa comeback movie, sinabi ni Moreno na: “I have no idea. Who do you think should be my leading lady? I am not familiar with some stars these days because I was absent (at the movies) for a long time.”

Pagbabahagi pa ng Alkalde, ipakikita ng pelikula si Bonifacio sa naiibang perspektiba.

Nabanggit din ni Morena na dapat matuto ang mga tao sa mga aral mula sa nakalipas.

“We should learn our lesson to unite ourselves, to help one another, and fight against the common enemy. In this case, in our time, it’s COVID-19. That’s the real enemy. Makakamit din naitn ang kalayaan laban sa COVID-19,” ani Moreno.

Sa pananaw rin ni Isko, isang man of action si Bonifacio.

“Action ng action. Kung wala siyang ginawang action, wala sanang naganap (na rebolusyon). Bonifacio had his share of failure and success, but he never stopped. He kept going. He thinks, he acts, he delivers,” aniya.

Sa isyu naman ng talent fee, sinabi ni producer Dondon Monteverde ng Regal Films na: “Mayor Isko will have a talent fee. But knowing the mayor, he will just donate it to charity.”

Magsisimula na rin, aniya, ngayong buwan ang shooting ng pelikula, na may working title na “Maypagasa.” Pero hindi pa nakapagtakda ang production ng deadline para matapos ang pelikula.

Interesante namang mabatid na dalawang taon na ang nakalilipas, bago pa mabuo nina

Monteverde at Matti ang ideya na lumikha ng pelikula tungkol sa buhay ni Bonifacio, ang unang utos ni Mayor Isko sa kanyang unang buwan ng panunungkulan bilang

local chief executive ng Maynila ay ang linisin ito at ibalik ang dangal ng Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall.

Isang desisyon na pinuri ng mga natitirang descendants ni Bonifacio, partikular ng great-granddaughter na si Susan Meyer, na personal pang pinasalamatan ang alkade noong Hulyo 2019.

Samantala, ito naman ang unang historical period movie ni direk Matti. Pangako niya: “I am excited to start imagining the world that was and recreate the lives lived then. I am ready to create a place beyond what is imagined and a world that will ground all historical facts and bring out the kind of life led during that time.”