Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang buong suporta sa pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na dapat ihinto ni Bise Presidente Leni Robredo ang pamumulitika sa pagtugon ng COVID-19 sa LGUs.
Sa kanyang press briefing ngayong Lunes, Hunyo 14, inulit muli ni Roque ang apela ni Carpio kay Robredo.
“Tigil na muna ni VP Leni ang pamumulitika.” aniya
Hinimok din niya ang publiko na hintayin ang tugon ng anak ng pangulo sa pahayag nito na kung si Robredo ay “dares to run for president.”
“Abangan natin ang engkuwentro ng dalawa.” Roque said
Hindi naman naging sikreto na isa si Roque sa mga nagnanais na tumakbo si Mayor Duterte-Carpio sa pagkapresidente sa 2022.
In-update rin niya ang kanyang Facebook page kasama ang larawan niya sa isang kaganapan na naglalayong patakbuhin si Carpio sa susunod na taon.
Matatandaan na sinabi ni Roque na tatakbo lamang siya sa nasyonal na posisyon kung tatakbo si Carpio bilang presidente na kagustuhan din na kanyang ama.
“I would run with the administration but I think I will only run if Mayor Inday Sara will run for the position of president,”aniya sa ANC “Headstart” noong Hunyo 9.
Aniya na gustyo niya talagang tumakbo si Carpio at hindi siya sumasang-ayon na hindi siya karapat-dapat maging lider kagaya ng sinabi ni Pangulong Duterte na dahil siya ay babae.
“I’m one of those who are praying that Mayor Sara will, in fact, seek the presidency,” ayon kay Roque
“I don’t agree with that and I think the President merely emphasized that given the hardships of being president, he does not want it, he does not wish it on his family, which is understandable coming from a good father,”dagdag niya pa.