Simula bukas, Hunyo 15, ipatutupad ang 12 A.M hanggang 4 A.M curfew hours sa buong Metro Manila, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

Ito ang inihayag ni Abalos sa Laging Handa virtual press briefing ngayong Lunes, Hunyo 14.

Ang kasalukuyang curfew ay mula 10 P.M hanggang 4 A.M, anim na oras ang haba.

Ayon kay Abalos ang desisyon sa paikliin ang curfew ay pinagbotohan ng 17 alkalde ng Metro Manila.

Rep. Pulong Duterte binalingan si Rep. Castro?; trato kina VP Sara, Lopez, ikinumpara!

Sinabi niya ang desisyon ay base sa improved numbers ng daily attack rate, two-week growth rate, and hospital bed occupancy sa Metro Manila.

“Dahil dito minabuti nila na lumawagan [ang curfew]…this will give more time sa mga taong kakain sa restaurants, sa mga malls na magbukas, may travel time. At siguro makatulong ng husto sa ating ekonomiya,” aniya