CAMP BADO DANGWA, Benguet – Anim na plantasyon na naman ng marijuana na nagkakahalaga ng P26.6 milyon ang sinunog ng mga awtoridad matapos madiskubre sa dalawang lalawigan ng Cordillera, kamakailan.
Ayon kay Police Regional Office (PRO)-Cordillera DirectorBrig. Gen. Ronald Lee, aabot sa P25,800,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinira sa Sitio Balay, Tulgao West, Tinglayan, Kalinga, nitong Hunyo 12.
Sa Benguet, mahigit sa P800,000 na halaga ng tanim na marijuana ang sinira naman sa may communal land sa Sitio Lebeng, Badeo, Kibungan, nitong Hunyo 11.
Sa kabila nito, tiniyak pa ni Lee na patuloy pa nilangpagtutuunan ng pansin ang paglansag sa mga tanim na marijuana sa dalawang lalawigan.
Zaldy Comanda