Sinabihan ni Vice President Leni Robredo ang Davao City government, nitong Linggo, Hunyo 13, na tingnan kung paano nagtagumpay ang Cebu City sa pagkontrol ng COVID-19 surge sa pamamagitan ng private partnerships at pagkakaroon ng medical community.
Nanguna ang Davao City sa listahan ng mga LGU na mayroong mataas na kaso ng COVID-10 kada araw. Ayon sa Octa Research, mayroong average na 180 bagong kaso kada araw ang Davao City.
“So the mere fact na mas mataas siya, mas alarming iyon kasi mas kaunti ang kanyang population,” pahayag ni Robredo sa isang programa sa radyo.
Sinabi ni Robredo na makatutulong kung titingnan kung paano nakontrol ng Cebu ang surge nito noong Enero hanggang Marso ngayong taon.
Bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Cebu dahil sa “test, trace, and isolate” na estratehiya nito.
Sa period na Hunyo 5 hanggang Hunyo 11, mayroon na lamang 37 bagong kaso ang Cebu City.
“Kasi kung titingnan mo ngayon na nagsaspike na, sa Cebu parang controlled, ‘di ba? Parang controlled and marami ang ginawa—ang partnership doon hindi lang talaga LGU pero very active doon ang medical community,” aniya
Naging pamilyar ang bise presidente sa sitwasyon ng Cebu dahil nagpadala sila ng grupo sa probinsya para sa COVID-19 response noong nakaraang taon. Inilarawan niyang “very, very active” ang medical community doon.
“So tingin ko ang mga lessons sa Cebu, ganoon din. Makakapulot ng aral ang Davao.”
Ayon kay Robredo, hindi maikukumpara ang Davao City sa Metro Manila dahil magkaiba ang “characteristics” nito.
Sa kabila nito, dumipensa ang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaugnay sa pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo.
Sinabi ni Mayor Sara Duterte na pigilan ni Robredo ang magbigay na payo kung wala siyang alam tungkol sa nangyayari sa Davao.
“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground. This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem,” aniya.
Dagdag niya, malaki ang naitulong ng private sector sa pagtugon ng COVID-19 sa Davao City at huwag atakihin ng bise presidente ang medical community ng lungsod bilang “inactive”.
“The private sector has been very helpful and has tremendously contributed to the COVID-19 response in Davao City. In addition, The VP should not attack the medical community of Davao City as being inactive when they have been silently suffering and working tirelessly to help save lives since March of last year.”
“The VP should avoid involving the COVID-19 surge in Davao City in her attempt at politicking. There will be a proper time to attack my performance as an LCE in this pandemic if she dares to run for President,” pagdidiin ni Duterte-Carpio sa naging pahayag ni Robredo noong Linggo, Hunyo 13.