Hindi uubrang magkaroon ng face-to-face classes hangga’t walang pagbabakuna sa mga kabataan.
Ito ang pagdidiin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. bilang tugon sa posibleng pagsusulong ng face-to-face classes.
Batay aniya sa pakikipag-usap nila sa mga eksperto sa kalusugan, kailangan munang makapagbakuna ng kahit 50% hanggang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa para makamit ang population protection.
Sa ganitong paraan aniya ay magkakaroon ng kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapayagan na ang pagkakaroon ng face-to-face classes.
Matatandaang inihayag ng Department of Education (DepEd) na plano nilangbuksan ang school year 2021-2022 sa huling linggo ng Agosto ngayong taon.
Beth Camia