Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin si Willie Revillame sa hiling ni Pangulong Duterte na tumakbo siya bilang senador ngayong halalan 2022.

Matatandaang mismong si Duterte ang nag-imbita kay Willie sa isang hapunan sa Malacañang Palace noong March 16, 2021 at dito nga napag-usapan ang nalalapit na halalan na kung saa'y inalok ni Duterte ang posisyong as senator sa TV host.

“Pag-iisipan kong mabuti. Ipagdarasal ko,” sagot ni Willie sa tanong sa kanya ng Pangulo noong March 2021.

Naulit ang panunuyo nitong Linggo ng hapon, June 13, nang muling igiit ni Duterte ang imbitasyon kay Willie para tumakbo ito sa darating na halalan sa pamamagitan ng isang video na inilabas ng GMA News.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

Sa videotaped message ni Duterte, nakasaad ang naging usapan ng dalawa: “Willie, si Mayor ito. Kumusta ka? Matagal na tayong hindi nagkita, pero palagi kitang naalaala dahil gusto ko sana maging senador ka.

“Sabi ni Bong [Senator Bong Go], nagdadalawang-isip ka. Pero ganoon pa man, open yung slot until the last minute kung ayaw mo na talaga.

“Pwede na tayong mag-usap uli. Sana in the meantime, more success sa mga programa mo at sa mga tao. Bilib ako sa appeal mo sa masa. Mabuhay ka!”

Para kay Duterte, nasa kuwalipikasyon ng TV host ang maging isang tunay na public servant dahil nasubok na ang kanyang pagiging mapagkawanggawa at tumutulong sa mga mahihirap. Kaya naman nais ni Duterte na kumandidato si Willie dahil ayon sa kanya, malaking tulong sa pamahalaan ang ginagawa ng TV host para sa ating mga mahihirap na kababayan.

Ador V. Saluta