Winakasan ng isang motley alliance sa Israel ang 12 taong pamumuno ni Benjamin Netanyahu bilang prime minister, sa paghalal ng parliament ng isang bagong gobyerno na pamumunuan ng kanyang dating kaalyado, ang right-wing Jewish nationalist na si Naftali Bennett.

Nanumpa si Bennett, isang tech millionaire at dating special forces commander, sa gitna ng ideolohiya na hinahati ng walong party bloc na nagkakaisa lamang sa pagtapos ng higit isang dekadang pamumuno ni Netanyahu.

Bago ang kanyang pagkatalo, nangako si Netanyahu, 71, na “if it’s our destiny to be in the opposition, we’ll do so with our heads high until we take down this bad government and return to lead the country our way”.

Tinatawag na “King Bibi” and “Mr Security” ng kanyang right-wing supporters at kinokondena bilang “crime minister” ng kanyang mgta kritiko, si Netanyahu ang pinakamatagal na namuno sa pamahalaan ng bansang Israel.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Gayunman nitong Linggo, natuldukan ito sa ginanap na botohan sa Knesset legislature natapos ang ilang linggo ng political drama, sa makapigil-hiningang 60 kontra 59 ng 120-seat chamber.

Agad namang nagpaabot ng pagbati si US President Joe Biden sa pag-upo ni Bennett.

“I look forward to working with Prime Minister Bennett to strengthen all aspects of the close and enduring relationship between our two nations. Israel has no better friend than the United States,” pahayag ng US President.

Dumagsa naman ang tao sa square malapit sa Knesset (parliament) sa Jerusalem at sa sentro ng Tel Aviv upang ipagdiwang ang pagbagsak ni Netanyahu.

Agence-France-Presse