CAGAYAN - Isang guro ang natagpuang patay na pinaniniwalaang nagpakamatay sa Barangay Bagumbayan, Lal-lo ng nasabing lalawigan nitong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang umano’y suicide victim na si Gina Callueng, 54, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Master Sergeant Christian DG Molina, may hawak ng kaso, ang bangkay ay natagpuan ng anak na babae sa kusina ng mga ito.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng problema sa pamilya ang sanhi ng pagpapakamatay ni Callueng.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Gayunman, iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente.

Liezle Basa Iñigo