Nadagdagan pa ng isang weightlifter ang mga atletang Pinoy na pasok na sa darating na Tokyo Olympics.

Ito'y matapos na mag-qualify ang isa sa mga young prospect sa weightlifting na si Elreen Ando sa pamamagitan ng continental quota para sa women’s minus-64 kg division.

Inilabas ng International Weightlifting Federation ang listahan nitong Sabado ng umaga.

Ang 22-anyos na si Ando ay nakatipon ng kabuuang 2634.9334 points upang pumuwestong ika-12th sa kanyang division.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At suwerte namang may apat na entries ang Europe sa top 9 kung kaya nawala ang nasa 10th at 11th spots na pawang mga European din na sina Lisa Marie Schweizer at Anni Teija Vuohijoki ayon sa pagkakasunod.

Manggagaling si Ando mula sa dalawang-silver, isang-bronze finish sa nakaraang 2020 Asian Weightlifting Championships.

Sasamahan niya ang 4-time Olympian na si Hidilyn Diaz na sasabak sa -55kg division.

Sa kabuuan, mayroon ng labing-isang atleta ang Pilipinas na sasabak sa darating na Olympics, kasama sina boxing flyweight Carlo Paalam, middleweight Eumir Marcial, flyweight Irish Magno at featherweight Nesthy Petecio; gymnast Caloy Yulo; pole vaulter EJ Obiena; taekwondo finweight Karl Barbosa; rower Cris Nievarez at skateboarder Margie Didal.

Marivic Awitan