Isang 52-anyos na Pilipinong lalaki ang inatake sa isang Upper East Side subway station sa New York City, kamakailan.

Ang Pinoy na mula Queens, na hindi pinangalanan, ay “repeatedly punched” sa mukha ng salarin matapos makababa ng tren ang biktima sa sa 103rd Street station dakong 7:00 ng umaga nitong Martes, ayon sa ulat ng ABC7 News.

Ayon sa biktima, napansin niya ang isang lalaki sa kanyang harapan, na isang Asian, na inaatake ng isang lalaki habang sumisigaw ng “go back to where you came from.”

Nagawang makatakas ng biktima, ngunit ayon sa nakasaksi ng insidente siya naman ang pinagbalingan ng salarin, hinarang siya at pinagsusuntok sa mukha.

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral

Sinigawan pa umano siya ng suspek na sinabing, “Go back to where you came from.”

“It seemed so random and so sudden,” kuwento ng biktima sa ABC News. “Kinda realized it’s potentially a hate crime because of what the man was shouting and what was said.”

Hindi naman, aniya, siya tinangkang nakawan o hingan ng pera ng salarin.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa mukha at nagdugo ang ilong.

Samantala, mariing kinondena naman ni Philippine Consul-General Elmer Cato, ang naging pag-atake at nanawagan sa awtoridad na gumawa ng hakbang upag maprotektahan ang Asian Americans at Pacific Islanders community.

“We strongly condemn this latest anti-Asian hate crime that targeted a member of the Filipino Community in New York City. We again call on authorities to take the necessary steps to protect members of the #AAPI Community,” pahayag ni Cato sa isang Twitter post.

Ayon sa Pinoy na biktima, ang kanyang pagsasalita ay upang makatulong na rin na makapagbahagi ng awareness hinggil sa Anti-Asian hate.

“Just a little worried that something so random can happen. It could happen to anyone,” aniya.

Jaleen Ramos