Nanawagan si Pasig City Mayor Vico Sotto sa ilang "Dilawan group" dahil sa maling paggamit ng kanyang dating pahayag sa isang Facebook post na nagmukhang negatibo umano ang kanyang komento sa “endorsement” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential bid ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“#FAKENEWS. Maaaring totoo ang quote, pero last year pa at HINDI presidential elections ang topic!! Misquoted ng ibang Dilawan group para sumakto sa naratibo nila.. kaso lang, naniwala ang iilang supporters ng Presidente at kaya nagalit,” ayon sa Facebook post ng alkalde nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 9.

Narito ang ilan sa mga komento:

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sa original post ng Panay News Facebook page nitong Hunyo 6, na may caption na: “‘HINDI LANG ISANG PAMILYA ANG MAGALING’ Pasig City Mayor Vico Sotto expresses his thoughts on President Rodrigo Duterte’s endorsement of his daughter, current Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, to run for presidency in the 2022 election.”

Ang post na ito ay tatlong beses in-edit ng administrator ng Facebook page ayon sa edit history nito. Maya-maya ay tinanggal nito ang pangalan ng Pangulo at ang kanyang anak.

Dahil sa insidenteng ito, umapela si Sotto sa publiko na maging mapanuri dahil mas maraming “fake news” ang lalabas, lalo pa’t papalapit na ang national election.

“Dito sa Pasig, WORK MODE lang tayo. 'Wag nating intindihin ang maiingay na boses na mahilig gumawa ng intriga. Sa lungsod pa lang, ang dami na nating kailangan gawin; hindi ngayon ang panahon para makikisawsaw sa national politics. Masyado na tayong polarized bilang mga Pilipino,” pagdidiin ni Sotto.

“Basta sa Pasig, welcome ang lahat ng partido. Hindi natin kailangan gumaya sa politika ng iba,” dagdag pa niya.