Niyanig ng 5.1-magnitude na lindol ang Davao Occidental nitong Huwebes, Hunyo 10.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter nito sa layong 68 kilometro Timog Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinag-ugatan ng pagyanig na may lalim na 61 kilometro, dakong 10:00 ng umaga.

Naramdaman ang Intensity III sa Malungon, Sarangani; Intensity II sa Malita, Davao Occidental at Kiamba, Sarangani; at Intensity I sa Tupi, South Cotabato.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Instrumental Intensity II naman sa General Santos City at Kiamba, Sarangani; habang Intensity I naman sa Koronadal City, South Cotabato.

Babala pa ng Phivolcs, asahan ang aftershocks nito.