Mahigpit na nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol laban sa lason na dala ng mga nakamamatay na box jellyfish o dikya.

Ang babala ay inilabas kasunod ng pagkamatay ng 7-anyos na babae sa Barangay Sinuknipan 2, Del Gallego, Camarines Sur, kamakailan.

Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol, naliligo sa dagat ang biktima, kasama ang pinsan at ang tiyuhin nito nang atakihin ng dikya na nagresulta sa pagkakaroon nito ng maraming sugat.

Dahil sa dami ng sugat, hindi na kinaya ng bata ang epekto ng salabay na nagresulta sa pagkamatay nito.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Matatandaang halos isang buwan pa lamang ang nakararaan nang bawian din ng buhay ang isang limang taong gulang na babae dahil din sa kagat ng dikya sa North Coastal ng Lagonoy sa nasabing lalawigan.

BethCamia