Kaparis ng mga gaya niyang Olympic bound athletes, tutok din ang gymnast na si Carlos Yulo sa paghahanda sa nakatakda niyang pagsabak sa darating na Tokyo Olympics.

Katunayan, nagwagi si Yulo ng bronze medal noong nakaraang Linggo sa men's parallel bars event ng All-Japan Gymnastics Championship matapos makaluha ng iskor na 14.9666.

Si Rio 2016 Olympics gold medalist Yusuke Tanaka ang nagwagi ng gold medal sa nakuha nitong iskor na 15.400 habang nagkamit naman ng silver si Kaito Sugimoto na nagksmit din ng parehas na iskor.

Laking pasasalamat naman ni Yulo sa pagkakataong makatunggali ang ilan sa mga top gymnast sa buong mundo sa nasabing torneo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"Being able to play with the bests is already an achievement for me," wika ni Yulo sa kanyang social media account.

"It was a pretty good performance... but unfortunately, I didn't reach my personal target score. I'll definitely be using this experience to improve on my skills for future events."

Si Yulo na kasalukuyang world No. 1 sa artistic gymnastics floor exercise ay isa sa 10 na atletang Filipino na kumpirmadong kuwalipikado para sa pagsabak sa Tokyo Games.

Marivic Awitan