Matagal nang itinutulak ng mga tao si Sanya Lopez na pasukin ang beauty pageant.

Maging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nag-aalok pa ng tulong para i-train siya.

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

“Whenever you’re ready, we’re here waiting for you,” saad ni Pia sa isang interview.

Ano naman ang masasabi dito ni Sanya?

Sa muling pagbubukas ng pinto ng Miss Universe Philippines para sa mga nais sumabak sa pageant, natanong si Sanya kung plano niya bang subukan ito.

Inamin ng Bulakeñang aktres na “flattered” siya na marinig ang suhestiyon ni Pia.

Aniya, nais niyang i-“try joining (a beauty pageant)” pero hindi pa sa ngayon.

Puno kasi ang schedule ng aktres, dahil sa kaliwa’t kanang proyekto.

“As of now, I have lots of good projects with GMA so it’s hard,” say ni Sanya.

Pero hindi naman niya isinasarado ang pinto sa ideya.

Giit niya, “If that’s what fate has in store for me in the future, well, let’s see…”

Kasalukuyang busy si Sanya sa “First Yaya,” at “Agimat Ng Agila.”