Habang nagbibisikleta nitong Linggo si Kieth kasama ang kanyang pinsan nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa kanilang dinadaanan sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City na naging sanhi nang pagkamatay nilang dalawa.

Sa ulat ng Masbate Police, Kasama ni Kieth, 21-anyos, na namatay ang kanyang 40-anyos na pinsan, si Nolven,habang ang anak nitong si Chrisbin Daniel Absalon, 16-anyos, ay nakaligtas at dinala sa Masbate Provincial Hospital.

Ayon sa mga awtoridad, itinanim ang sumabog na IED ng New People’s Army (NPA) na sumabog habang nagbibisikleta sina Kieth.

Ang pangarap na maging miyembro ng Philippine Azkal ay hindi na matutupad ni Kieth dahil sa karahasang pangyayari.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kaya naman ang gusto ng kanyang pamilya ay makamit ang hustisya. Sapagkat hindi sila naniniwala na namatay lamang ito sa landmine, kundi dahil sa mga ebidensya na mayroon mga bakas ng bala ang nakita sa mukha ni Kieth at sa likod ng pinsan nito.

Marami ang nagpa-abot ng pakikiramay sa Pamilya, katulad ng Malaya FC na naging koponan ni Kieth at Far Eastern University

“Our hearts are broken as we bid farewell to a brilliant player of #MalayaFC and FEU men’s football team. A born leader, follower of the highest order, a kind, gentle, and respectful soul. Thank you for everything, #KeithAbsalon. Rest easy in that big football pitch in the sky,” ang pahayag naman ng koponan ni Absalon na Malaya FC sa kanilang post sa social media.

“Kieth’s toughness on the field and constant smiles off it will truly be missed by his brothers in the men’s football team and the entire FEU community.” pahayag ng FEU sa kanilang post.

Makalipas ang ilang araw, tila naningil ang militar sa NPA dahil sa pagkamatay ni Kieth Absalon.

Ayon kay Lt. Col. Steve dela Rosa, Masbate City Police Station chief, habang ang joint operating team ng mga security operatives ay patungo para maghatid ng warrant of arrest na inisyu ng Masbate Regional Trial Court (RTC) laban sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ay pinaputukan sila ng 30 hindi kilalang armadong lalaki.

"With the presence of imminent danger, the team fired back, hitting three members of the rebel group while no casualty has been reported on the government side in a firefight that lasted for 15 minutes," ayon kay dela Rosa

Nagresulta ito sa pagkamatay ng tatlong miyembro ng CTG sa ilalim ni Arnold Rosero a.k.a Star Command sa probinsya ng Masbate.

Ang grupo ng mga rebelde ay pinaniniwalaang responsable sa mga IED na naging sanhi nang pagkamatay ni Kieth Absalon at ng kanyang pinsan.

Sa kabila nang pangyayari, ang kanyang kwento ay maaaring magsilbing inspirasyon sa mga taong patuloy na nangangarap lalong lalo na sa larangan ng isports.

Si Kieth Absalon ay ipinanganak noong Enero 1, 2000. Siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa Masbate City. Nakilala siya bilang magaling na football player.

Taong 2013, nagsimula ang kanyang karera sa football sa edad na 13 taong gulang. Bata pa lamang siya ay pangarap niyang maging propesyonal na manlalaro at maging miyembro ng Philippine Azkals.

Nanalo siya ng multiple Midfielder of the year at naging MVP of UAAP Season 78 habang naging six-time UAAP champion siya sa high school football. Sa kanyang murang edad, naging isa siya sa pinakamahusay na manlalaro na high school student sa UAAP football history

Makalipas ang ilang taon, noong 2018, sumabak siya sa AFF Under-19 Championships sa Indonesia bilang miyembro ng Philippine Under-19 team.

Taong 2019 naman naging MVP siya ng Youth Football League at 2019 CAFA infermed U10 YFL. Sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo, naging parte si Kieth ng First 11 ng FEU Tamaraw Men’s Football Team para sa UAAP Season 82 ngunit nakansela ito dahil sa pandemya.

Dahil sa determinasyon at galing ni Kieth Absalon ay talagang tumatak ito sa FEU football team at Malaya FC na naging kanyang koponan.

Kaya naman ay maraming nabigla nang pumutok ang balita na namatay siya noong Linggo, Hunyo 6.