Nasasabik ang netizens na malalman kung sino ang kayakap ni Lovi Poe sa photo na in-upload nito sa social media, mukhang hindi ito ang boyfriend niyang si Monty Blencowe.

May ilan pang nagtanong kung nakipaghiwalay nab a si Lovi kay Monty.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Habang hula naman ng ilan ay teaser ito sa isang bagong proyekto.

Makikita sa photo ang actress-singer na nakayakap sa “unidentified guy” habang nasa stage, with spotlight at red curtains.

Ang kanyang caption, “There’s a place where we lost all the love that we had…”

May hashtag itong “#comingsoon.”

Nakadagdag pa sa misteryo nang i-tag ni Lovi ang model, actor at fitness coach na si Eric Guilmette.

Mabilis naman ang react ni Benjamin Alves, nag-comment ng, “Selos me.”

As of writing may more than 50,000 likes na ito.