Isang dambuhalang dinosaur na nadiskubre sa liblib na lugar sa Australia ang kinilala na isang uri ng bagong species at ipinapalagay na isa sa pinakamalaki na nabuhay sa Earth, ayon sa mga palaeontologists.

Ang Australotitan cooperensis, mula sa pamilya ng titanosaur na nabuhay 100 milyong taon na ang nakalipas, ang pormal na pinangalanan at inilarawan 15 taon matapos unang mahukay ang mga buto nito.

Tinatayang may taas ito na 5-6.5 metres (16-21 feet) high at sumusukat ng 25-30 metres (82-98 feet) sa haba—ang pinakamalaking dinosaur sa Australia.

"Based on the preserved limb size comparisons, this new titanosaur is estimated to be in the top five largest in the world," pahayag ni Robyn Mackenzie, director ng Eromanga Natural History Museum.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nahukay ang mga buto sa isang family farm noong 2006 nasa 1,000 kilometres (620 miles) sa west ng Brisbane sa Eromanga Basin na tinawag na "Cooper".

Unang isinikreto habang nagpapatuloy ang paghukay at pag-aaral sa mga buto, isinapubliko lamang ang skeleton nito noong 2007.

Ayon kay Scott Hocknull, isang palaeontologist sa Queensland Museum, “it had been a very long and painstaking task" bago nakumpirma na ang Australotitan ay bagong species.

Ikinumpara ang 3D scan models ng mga buto sa dinosaur kasama ang close relatives nito, na inilimbag sa peer-reviewed PeerJ journal Monday.

Ilan pang kalansay ng ibang dinosaur ang natagpuan sa lugar, kaya’t kailangan pa, anila, ang patuloy na pag-aaral, "discoveries like this are just the tip of the iceberg".

Agence France-Presse