ISABELA - Nawasak ang siyam na bahay at 31 residente naman ang inilikas matapos gumuho ang lupa sa Barangay Yeban Norte, Benito Soliven, nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sa inisyal na ulat ni Benito Soliven Police chief, Maj. Krismar Angelo Casilana, ang insidente ay naganap sa Sitio Barikir, dakong 2:00 ng madaling araw.
Sa pahayag ng mga residente, hindi naman umulan kaya nagtataka sila ng kung ano ang sanhi ng insidente.
“Katatapos lang din ng iba na magawa ang kanilang bahay na kasama sa gumuho, nakatatakot at nakababahala, sabi pa ng isang residente.
Gayunman, sinabi ng pulisya na walang naiulat na nasawi o nasaktan sa pagguho.
Liezle BasaIñigo