PANGASINAN - Dalawang lalaki ang binawian ng buhay nang tamaan ng kidlat nang sumilong ang mga ito sa isang kubo sa gitna ng bukid sa Barangay Angio, San Fabian, nitong Martes ng hapon.
Sa ulat ng Pangasinan Police, magkasama sina Fernando Guntang, 20, taga-Brgy. Angio ng nasabing bayan, at Jeric Soriano ,25, taga-Brgy. Pangapisan North, Lingayen, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya sumilong ang mga ito sa isang kubo, dakong 5:30 ng hapon.
Matapos ang ilang saglit, biglang kumidlat at tinamaan ang dalawa.
Tinangka ng mga residente na isugod ang dalawa sa Region 1 Medical Center, gayunman, binawian din sila ng buhay dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang katawan.
Liezle Basa Iñigo