Iginiit ni Senator Francis Pangilinan na kailangang busisiin ng Senado ang dagdag P25 billion pondo na pambili ng bakuna bukod sa P82.5 Billion sa ilalim ng Bayanihan to recover as one Act o Bayanihan 2.

Hiniling kasi ni Budget Secretary Wendell Avisado sa pamahalaan na kailangan ang P25 billlion na dagdag pambili ng bakuna, bagay na ipinagtaka naman ni Pangiilinan dahil hindi ito binanggit sa unang pagdining nitong Disyembre.

"Kailangang busisiin ang mungkahi na ito at nang maliwanagan ang publiko sa dagdag na gastos. Bakit kulang ang kasalukuyang budget? Saan napupunta ang panggastos? Maraming mga katanungan kung kaya dapat ay magkaroong muli ng Senate Commitee of the Whole hearing tungkol dito,” ani Pangilinan.

Aniya, tiniyak na ni Senate President Vicente Sotto 111 na bukas ito para i-conven ang Senado at dinggin ang nabanggit na isyu, kahit na sila ay naka recess gawa ng sine die.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang panukala ni Pangiinan ay suportado rin nina Senators Franklin Drilon, Ralph Recto, Risa Hontiveros, Leila De Lima, at Nancy Binay.

Inihayag pa ni Avisado na inparubahan na ng Panguko ang naturang P2.5 Billion hanlaw naman sa 2021 contingency fund para pambili ng 4 na bliying bakuna.

“We need to be clarified on the current disbursements and spendings that’s why it’s important to convene the Senate Committee of the Whole. Nag-iisa lang ang layunin natin dito: paano pa mas mapapabilis ang vaccine roll-out para maabot ang ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Leonel M Abasola