Wala pang pagkakakilanlan ang isang lalaki na pinugutan ng ulo at itinapon sa bakanteng lote sa Caloocan City.

Bukod sa walang ulo, pinutol din ang kanang hintuturo ng biktima na tinatayang nasa edad 30, may taas na 5'5 at may tattoo ng isang dragon sa likurang bahagi ng katawan.

Base sa ulat, napansin ng mga residente sa Camarin, North Caloocan ang isang sakong kulay puti na may dugo.

Tumawag ng barangay ang mga nakakita sa sako at nang buksan tumambad sa kanila ang katawan na walang ulo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng sa ibang lugar pinatay ang lalaki at sa Caloocan lang itinapon ang katawan para iligaw ang mga imbestigador.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng biktima.

Orly L. Barcala