Tumanggap ng sari-saring reaksyon ang kulang na apostrophe sa bagong statement tattoo ni Nadine Lustre.

Ilang netizens ang mabilis na pinuna ang “wrong spelling” sa tattoo.

Sa isang legs nito nakasulat ang “THATS IT,” habang sa kabila ang: “IT IS WHAT IT IS.”

Gayunman, agad nilinaw ng tattoo shop na nag-upload sa photos ng body tattoo ng 27-anyos na aktres, ang isyu.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“Cool tattoo idea by Nadine Lustre gets negative comments because of punctuation or the lack thereof. Sure, it may be incorrect but in the tattoo business, there is such a thing as intentional ‘mistakes’ that may be due to design preferences or simply because the client likes it a certain way,” post ng may-ari ng tattoo shop sa kanilang official Facebook page.

Dagdag pa nila, bago sana nagkomento ang online users, dapat ay sinubukan muna nilang gumamit ng “bit of intelligence or compassion at least,” para malaman ang katotohanan sa likod ng kuwento rather than looking like a “fool.”

Matatandaang early this year, ibinahagi ni Nadine, ang kanyang paborito sa 12 tattoo na mayroon siya sa vlog ni Dr. Aivee Teo.

Aniya: “I see tattoos as a work of art. It’s the story of a person.”

Ayon kay Nadine, karamihan ng kanyang tattoo ay nasa braso para magsilbing “reminders.”

Lotus flower: Na nagpapaalala sa kanyang ng mga pinagdaanang “challenges” at “hardships” at eventually finding the “sun,” “light.”

“Nakayapak at Nahihiwagaan:” Aniya, mula ang mga salitang ito sa lyrics ng “Tadhana” ng Up Dharma Down, na dedicated sa kanyang late brother. Ipinagawa niya ito sa

first death anniversary ng kanyang kapatid.

Moon: Inspired mula sa lyrics ng “Everglow” ng Coldplay: “Even though you’re gone and the world may not know still I see you’re celestial,” na nagpapaalala sa mga taong malapit sa puso niya na pumanaw na.

Rose: Bukod sa favourite flower niya ito, para sa kanya simbolo ito ng “self-love” when she was struggling. “Every time I look at it, it’s like I’m giving myself a rose,” ani Nadine.

Japanese name: “Nozomi Komiya” ang kanyang Japanese name. Ayon sa aktres, na may Japanese blood, katulad ito ng kanyang pangalan na Nadine.

Crawling vine: Paalala naman ito sa kanya to always be grounded. Pagbabahagi niya, dapat sana ay crawling snake ito sa kanyang leg pero nag-decide siya na ilagay na lang sa kanyang index finger.