COTABATO CITY – Binawian ng buhay ang alkalde ng Tacurong City matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kamakailan.

“It is with profound sadness and a heavy heart that we announce the unexpected and sudden passing of our beloved mayor, Angelo ‘Roncal’ Ortizo Montilla,” ito ang pahayag ng Tacurong City government sa kanilang Facebook page nitong Lunes.

Sa pahayag ni Tacurong City Spokesperson Allan Freno, natuklasang nahawaan ng virus ang alkalde kaya ito dinala sa isang ospital sa General Santos City.

“He fought but sadly succumbed to the virus at around 9:30 in the evening of June 6,” ayon kay Freno.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Inihayag pa nito, bago pa nahawaan ng COVID-19 ang alkalde ay araw-araw pa rin itong pumapasok sa kabila ng banta ng pandemya.

PNA