LOS ANGELES, United States – Inanunsiyo nitong Linggo nina Prince Harry at Meghan Markle ang pagsilang ng kanilang babaeng anak, na si Lilibet Diana—pangalang kinuha sa grandmother ni Harry, si Queen Elizabeth II at kanyang namayapang ina—isang magandang balita matapos ang isang taon ng lumalalim na lamat sa pagitan ng mag-asawa at ng British royal family.

Malusog na naisilang ang sanggol, ikawalo sa throne, nitong Friday sa southern California city ng Santa Barbara at ngayo’y nasa bahay na kasama ng inang si Meghan.

“Lili is named after her great-grandmother, Her Majesty the Queen, whose family nickname is Lilibet. Her middle name, Diana, was chosen to honor her beloved late grandmother, the Princess of Wales,” pahayag nina Harry at Meghan.

“She weighed 7 lbs 11 oz. Both mother and child are healthy and well, and settling in at home,” saad pa sa inilabas na pahayag ng mag-asawa.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Matapos ang anununsiyo nina Harry at Meghan, sinabi ng tagapagsalita ng Buckingham Palace na nakarating nasa sa Queen at British royal family ang magandang balita at sila ay “delighted with the news of the birth of a daughter for the Duke and Duchess of Sussex.”

Nagpaabot din ng pagbati ang ama ni Harry, si Prince Charles at kapatid na si Prince William.

“Wishing them all well at this special time,” tweet ng Prince of Wales, habang sinabi naman ng Duke and Duchess of Cambridge sa isang tweet na “We are all delighted by the happy news of the arrival of baby Lili.”

Maging si British Prime Minister Boris Johnsonay nagpaabot ng pagbati.

Agence-France-Presse