Lagpas na sa limang milyong vaccine doses ang naibigay ng Pilipinas at patuloy itong bibilis. Hindi na magtatagal at magsisimulang makita na ang ating progreso sa pagsugpo ng pandemya.
Ang mga bansa na nagbakuna ng malaking bahagi ng kanilang populasyon ay nagsisimula nang mag bukas at bumalik sa dati. Habang marami pang mga bakuna ang inilalabas, ang kumpiyansa sa mga bakuna laban sa matinding sakit ay mas lalong tumitibay. Ang mga datos ukol sa transmission blocking effects ng bakuna ay unti-unti nang pumapasok.
Ang mga bakuna ay kasing ganda o mas maganda pa ang ipinakita as tunay na buhay kumpara sa clinical trials
Ang high vaccine efficacy rates sa clinical trials para sa mRNA vaccines (Moderna at Pfizer) ay nakumpirma sa real world rollouts. Ang vaccine efficacy ay tumutukoy kung paano pumu-protekta ang isang bakuna sa clinical trials, habang ang vaccine effectiveness ay ang proteksyon na nakikita sa tunay na buhay. Ayon sa datos mula sa Israel gamit ang bakunang Pfizer, ipinakita ang 95.3 porsyento na ito ay epektibo sa kahit anong impeksyon ng SARS-Cov-2, 97.5 porsyento naman ang proteksyon nito laban sa malala o kritikal na kundisyon, at 96.7 porsyento na nabawasan ang peligro sa pagkamatay mula sa sakit.
Ang Astra at Sinovac na nagkaroon ng katamtamang vaccine efficacy numbers sa kanilang clinical trials ay nilampasan ang mga inaasahang pagiging epektibo ng bakuna sa paggamit sa tunay na buhay. Maraming mga scientist na nagsabi na dahil sa mga limitasyon sa kaparaanan sa clinical trials ay kaya ito nagdulot ng ganoong klaseng vaccine efficacy. Sa kaso ng Sinovac, ang maikling agwat ng dalawang doses (dalawang linggo lamang ang pagitan sa Brazil trials) at ang populasyon ng mga exposed na healthcare workers ay maaaring nag-contribute ng mababa na efficacy numbers. Ang maikling agwat at suboptimal dosing ng Astra ay maaaring din nag-contribute ng mababang efficacy numbers.
Ipinapakita na mas naging epektibo ang pangalawang dose ng Astra kung hintayin ang labing dalawang linggo kaysa sa anim na linggo nito. 80 na porsyento ang pagiging epektibo ng unang dose lamang at pagkatapos ng pangalawang dose ay tumaas sa 85-90 na porsyento ang effectiveness.
Sa Sinovac, sampung milyong katao sa Chile ang pinagaral at nakinta na 85% ang naging effectivness nito laban sa katamtaman at matinding sakit. Sa kamakailang trial ng Indonesia sa 128,290 na healthcare workers, napigilan ng Sinovac ang symptomatic disease sa 94 na porsyento ng mga kalahok. Napigilan ang hospitalization ng 96 na porsyento at napigilan ang pagkamatay ng 98 na porsyento. Itong mga real-world numbers ay kasing galing katulad noong mga mRNA na bakuna.
Sa madaling sabi, itong mga apat na bakuha: Pfizer, Moderna, Sinovac at Astra ay lahat nagpapakita ng matinding real-world effectiveness laban sa symptomatic disease. Ang mga bakunang ito ay kayang pigilan ang mga symptomatic diseases sa 85-90 na porsyento, at halos 100 na porsyentong epektibo sa pag-iwas ng pagkakamatay. Ang mga datos mula sa iba pang bakuna ay patuloy na dumarating, ngunit mayroon malamang ay ang effectiveness laban sa symptomatic at malalang sakit ay mananatiling mataas.
Ang mga bakuna ay epektibo laban sa mga variants
Maraming pag-aaral na ang nagpapakita na ang mga bakuna ay epektibo sa malalang sakit dulot ng mga variants. Ang mga mRNA na bakuna ay epektibo laban sa B.1.1.7 (UK), B.1.351 (South Africa), P.1 (Brazil), and B.1.617.2 (India) variants. Ang Sinovac ay nagpakita ng magandang aktibidad laban sa B.1.1.7 at P.1, at pinag-aaralan pa para sa iba pang mga variants of concern. Ang Astra naman ay mababa ang aktibidad ng symptomatic na B.1.351 (South Africa), ngunit patuloy na pumoprotekta laban sa malalang sakit. Ito rin ay gumagana laban sa B.1.1.7 at sa P.1.
Ang iba pang mga bakuna ay patuloy na pinag-aaralan ang efficacy laban sa mga variants. Ngunit hindi tuluyang makatatakas ang mga variants na ito sa mga bakunang may emergency use. Ang mga puwedeing gamiting boosters para sa mga variants ay kasalukuyang pinag-aaralan sa clinical trials.
Ang mga bakuna ay pumipigil sa paghawa
Ang kapana-panabik na aspeto ng bakuna ay ang kakayahan nitong pigilan ang paghawa o pagkalat ng virus. Habang ang mga clinical trials ay nakafocus sa clinical efficacy, ang transmission-blocking properties nito ay ang magsisilbing paraan ng pag-ahon mula sa pandemya dahil sa herd immunity.
Ang prospective mRNA vaccine trials sa mga healthcare workers sa US ay nagpapakita ng 90 na porsyento na nabawasan ang peligro ng impeksyon pati na rin ang mga asymptomatic na impeksyon.
Ang asymptomatic na impeksyon ang pinakamahirap matukoy at makontrol at ang mga bakunana nagbabawas ng mga peligro sa asymptomatic at symptomatic na impeksyon ay magkakaroon ng malaking epekto sa pangkalahatang pagkahawa.
Sa data ng Pfizer mula sa Israel ay nagpakita ng pagbawas ng mga asymptomatic na impeksyon ng 91.5 na porsyento. Ipinakita rin ang pagbaba ng viral load sa mga impeksyong nakalusot sa bakuna. Ang ibig sabihin ng pagbaba ng viral load ay pagbaba rin nang kakayanan ng isang tao na manghawa ng iba. Sa limitadong datos ng Astra, ipinakita ang pagbaba ng 50-67 na porsyento ng mga impeksyon mula sa mga recipients, kasama din ang mga asymptomatic.
Wala pang natatapos na pag-aaral na nagsusukat ng aktual na transmission rate sa komunidad, at sinasabi lamang ng mga datos sa atin na ang mga nabakunahang indibiwal ay kaunti ang chansa na makapag-transmit ng impeksyon. Ang Sinovac sa ngayon ay nauna nang nagsasagawa ng pag-aaral sa isang komunidad sa Brazil, at mukhang malaking pagbaba sa impeksiyon ang naging dulot ng mass vaccination sa isang komunidad ayon sa interim na datos.
Sa panibagong datos hango sa real-world studies ay napatunayan na ang apat na bakuna na natalakay—Astra, Sinovac, Moderna at Pfizer ay mabisa at ligtas. Lahat sila ay gumana ng maayos laban sa pagpigil ng mga symptomatic at malalang COVID-19 infection. Lahat sila ay gumana rin laban sa mga variants, sa pagpigil ng malubhang sakit at lahat sila ay maaaring transmission-blocking.
Ang mga katibayang ito ay magdudulot ng higit na kumpiyansa sa pagbubukas ng ekonomiya. Ito ang paraan na muling maging ligtas ang pakikipagkita sa mga kaibigan, paglalakbay sa iba’t ibang lugar, at magkapiling muli sa mga minamahal sa buhay. Ang mga bakuna ang susi ng ating kalayaan.