Nagpahayag ng suporta ang Kapamilya star na si Angel Locsin, sa isinasagawang fund-raising activity ng University of the Philippines Integrated School sa Diliman, Quezon na layong masuportahan ang pangangailangan ng kanilang mga estudyante ngayong panahon ng pandemya.

Sa Instagram Hunyo 7, ipinakita ni Angel ang isang shirt na ibinebenta ng UPIS na ang kikitain ay ibibigay sa mahihirap na mga estudyante ng UPIS.

Angel

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Supporting my friend @frascomortz and UPIS fund-raising effort to help underprivileged students from UPIS who are struggling with the costs of home-based learning. You may visit upisthebest.com to donate or buy merch,” share nito sa social media.

Nanawagan din ang UPIS sa netizens na suportahan ang kanilang fund-raising effort para sa mga estudyante.

“As a state school, UPIS has limited options to raise funds to support the needs of its students during these difficult times.

“Alam naman natin na hindi lahat ng estudyante sa UPIS kaya ang gastos ng home-based learning. Sa P600 na donation, malaking tulong na sa pangangailangan nila ngayon. Visit upisthebest.com to donate today,” post ng UPIS sa kanilang IG account.