Isang lalaki na armado ng kutsilyo ang nanaksak at pumatay ng anim na tao sa isang siyudad sa eastern China, nitong Linggo.
Sa ulat ng state media, naganap ang pag-atake Sabado ng hapon sa bahagi ng
Anqing, Anhui province, 430 kilometers (270 miles) west ng Shanghai.
Naaresto naman ang suspek at patuloy na iniimbestigahan upang matukou ang motibo ng pag-atake na nangyari sa isang pedestrian shopping street, Anqing Public Security Bureau, ayon sa pahayag na inilabas sa Weibo social network.
Mula sa pahayag ng bureau, sinabi ng CCTV network na ang suspek ay isang 25-anyos,
unemployed, at “angry”.
Unang iniulat na lima ang namatay, ngunit isa sa mga sugatan ang binawian ng buhay sa opsital. Nasa 14 naman ang sugatan sa insidente.
Hindi na bago ang insidente ng knife attack sa China, na may mahigpit na restriksyon sa pag-aari ng armas.