KARACHI, Pakistan – Hindi bababa sa 30 katao ang namatay habang dose-dosena ang sugatan nitong Lunes nang magsalpukan ang dalawang tren sa southern Pakistan, ayon sa pulisya.

Ayon sa isang tagapagsalita, mula Karachi patungo sana ang tren sa Sargodha, nang sumalpok ito sa isa pang tren na may dalang service mula Rawalpindi sa kabaling direksyon.

“Several people have been killed and many others trapped inside,” ayon sa official.

Kinumpirma naman ni Umar Tufail, senior police officer sa Daharki ang 30 namatay.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Makikita sa isang mobile phone footage na ipinalabas sa telebisyon ang pinsala ng insidente, kung saan ilang bagon ang makikitang nahiwalay sa rail track.

Hindi naman bago ang naturang insidente sa Pakistan, na minana ang track at mga tren sa dating colonial power na Britain.

Agence-France-Presse