Inanunsiyo ng NASA ngayong linggo ang dalawang bagong mission sa Venus na ilulunsad sa pagtatapos ng dekada upang mapag-aralan ang atmosphere at geological features ng kalapit na planeta ng Earth.

"These two sister missions both aim to understand how Venus became an inferno-like world, capable of melting lead at the surface," pahayag ni Bill Nelson, newly-confirmed administrator ng ahensiya.

"They will offer the entire science community the chance to investigate a planet we haven't been to in more than 30 years."

Ini-award ang mission na nagkakahalaga ng $500 million sa ilalim ng NASA's Discovery Program, na inaasahang mailulunsad sa pagitan ng 2028-2030.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Kapwa pinili ang misyon mula sa isang “competitive, peer-reviewed process” base sa kanilang scientific value at feasibility ng plano.

Pakay ng DAVINCI+, na nangangahulugang Deep Atmosphere Venus Investigation of Noble gases, Chemistry, and Imaging, na makapangalap ng mas detalyadong composition ng Venus partikular sa primarily carbon dioxide atmosphere nito, upang matukoy kung paano ito nabuo at nag-evolved.

Hangad din ng misyon na matukoy kung dating may karagatan ang planeta.

Inaasahan din magbibigay ang DAVINCI+ ng unang high resolution images nito mula sa "tesserae" ng planeta, ang geological features na maikukumpara sa continent eng Earth.

Ang isa pang misyon ay tinawag na VERITAS, na acronym para sa acronym for Venus Emissivity, Radio Science, InSAR, Topography, and Spectroscopy.

Hangad naman nito na mai-mapa ang surface ng Venus mula sa orbit at mapag-aralan ang geologic history ng planeta.

Sa pamamagitan ng form of radar na ginagamit upang makalikha ng three-dimensional constructions, pag-aaralan nito ang surface elevations at kukumpirmahin kung mayroon pa ring volcanoes at nagaganap na mga lindol sa planeta.

Gagamit din ito ng infrared scanning upang matukoy ang rock type, na hindi pa batid, at kung naglalabas ang mga aktibong bulkan nito ng water vapor.

Bagamat pangungunahan ito ng NASA, ipo-provide naman ng German Aerospace Center ang infrared mapper, ang tutulong ang Italian Space Agency at France's Centre National d'Etudes Spatiales sa radar at iba pang bahagi ng misyon.

"It is astounding how little we know about Venus, but the combined results of these missions will tell us about the planet from the clouds in its sky through the volcanoes on its surface all the way down to its very core," pahayag ni Tom Wagner, NASA's Discovery Program scientist.

"It will be as if we have rediscovered the planet."

Huling Venus orbiter ng NASA ang Magellan, na dumating noong 1990.

AFP