Hindi nauubusan ng humor ang TV host na si Luis Manzano.

This time, si Pasig Mayor Vico Sotto naman ang kanyang naging biktima, tampok sa isang nakakatawang social media post.

Sa Instagram, ini-repost ni Luis ang isang photo ni Vico na nakikipag-celebrate ng Pinagbuhatan Fiesta kasama ang kanyang mga nasasakupan ilang taon na ang nakalilipas

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Screencap sa IG

Sa larawan, makikita si mayor Vico na game na nakipagbasaan ng tubig sa mga residente.

Gayunman, napansin ng netizens na aksidenteng natapakan ni Mayor Vico ang paa ng isang residente.

Caption ni Luis: Naku si Mayor @vicosotto, may hindi natutuwa sa kanya.

Kalakip ng post ang buong imahe, zoomed-in screenshots ng reaksyon ng biktima at unfortunately, si Mayor Vico na nakatapak sa paa nito.

Bumuhos naman sa comment section ng post ang laughing emojis. Kabilang sa mga napa-comment sina Jackie Forster at Vina Morales.

As of writing, may higit 61,000 likes na ang post.

Matatandaang kilala si Luis sa pagshe-share ng mga nakakatawa at kakaibang phots at videos sa social media.

Sa katanuyan, maging ang kanyang kasal kamakailan kay Jessy Mendiola ay hindi nakaligtas, sa pagbabahagi nito ng viral memes.