Ilang celebrities ang nagpahayag ng suporta sa Jollibee, sa gitna ng kinasasangkutan nitong “jollitowel” isyu.

Matatandaang isang nanay na umorder ng food delivery sa fast-food chain ang nagulat nang matuklasang ang inorder niyang fried chicken ay isa pa lang “fried towel.”

Gayunman, mabilis na naglabas ng pahayag ang sikat na local brand na sinabing iniimbestigahan na nila ang insidente sa isa sa kanilang franchise stores.

Umabot pa ang isyu kay Raffy Tulfo nang dumulog sa show nito ang complainant, kung saan nakatanggap ito ng halo-halong reaksyon.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa

Sa Facebook, sinabi ni Ogie Diaz na “love” pa rin niya ang fast-food chain at mate-turn off lang, aniya, siya kung pritong kumot na ang makakain niya.

Ganito rin ang sentimyento ni Angeline Quinto, na nagsabing sa kabila ng mga nangyari, mananatiling ito ang paborito niya.

Inihayag naman ng singer-actress na si Regine Velasquez, ang kanyang suporta sa fast-food chain sa pagpo-post ng isang photo niya kamasa ang Jollibee mascot.

Sinabi rin ng asawa ni Ogie Alcasid na kakabit na talaga ng buhay ang mga pagsubok.

May pa-“I love you” naman si Maja Salvador sa fast-food chain, na kasalukuyang , at itinag ang social media account ng kumpanya.