Nagpahayag ng pasasalamat ang aktor na si Daniel Padilla bilang reaksyon sa pagtatanim ng puno ng Indonesian fans na dedicated sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Daniel at Kathryn

“Wow!!!,” komento ni Daniel sa photo ng KaDreamers Indonesia.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

“Thanks guys!!!! (heart emojis),” saad pa nito.

Sa larawan makikita ang dalawang lalaki na may hawak ng banner na may mukha ng KathNiel kasama ng pahayag na: “250 trees from Kathryn Bernardo x KaDreamers Indonesia for the earth.”

Ipinapakita naman sa dokumentong naka-attached sa post na nagtanim ang grupo ng

Rhizophora o true mangroves sa Kampung Laut, Cilacap.

Nitong nakaraang buwan lamang ay nagdiwang sina Kathryn at Daniel ng kanilang 9th anniversary bilang couple.