Isang bride ang binawian ng buhay sa gitna ng kanyang kasal sa India—kaya sa halip ang kanyang nakababatang kapatid na babae ang pinakasalan ng kanyang groom matapos ilipat ang bangkay nito sa kabila lamang na kuwarto.

Inatake umano sa puso ang babae, na nakilala lamang bilang Surbhi, habang nagkikipagpalitan ng tradisyunal na garlands sa mapangangasawa nitong si Mangesh Kumar sa isang seremonya nitong Huwebes, ayon sa isang local report.

Idineklarang patay na ang bride ng sumuring doktor na dumayo pa sa lugar ng Samspura village sa Uttar Pradesh.

“We did not know what to do in the situation. Both the families sat together and someone suggested that my younger sister Nisha should be married to the groom,” pagbabahagi ng kapatid ng bride, sa ulat ng Indo-Asian News Service (IANS).

Mga Pagdiriwang

KILALANIN: Pinoy legends sa basketball court

“The families discussed the matter and both agreed,” dagdag pa nito.

“It was a bizarre situation as the wedding of my younger sister took place while the dead body of my other sister was lying in another room,” kuwento pa ng kapatid, ayon sa Times of India.

Matapos naman ang kasiyahan sa kasal, agad nagsagawa ng ceremonya para sa patay ang pamilya ng namatay na bride.