Nagdesisyon na ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin na pasukin ang showbiz na hindi dapat pagtakahan dahil acting runs in the family, ika nga.

Siya ang newest contract star ng Viva Artists Agency. Kumukuha siya ng acting at dancing workshops bilang paghahanda. Nakikita din ng Viva ang potential bilang host ni Lorin.

Kung gumawa man ng ingay ang pag-post niya in bikinis ay hindi ito signal na magpapa-sexy siya sa pelikula.

Gulat ang naging reaksyon noong una ni Ruffa pero ngayon ay sinusuportahan niya ang pangrap ni Lorin kalakip ang dalanging makamit ni Lorin ang tagumpay.

Tsika at Intriga

Sparkle, naglabas ng opisyal na pahayag tungkol kay Kyline Alcantara