Naging usap-usapan sa social media ang isang bidding war para sa isang chicken nugget.

Nag-ugat ito nang mag-post sa eBay ang user na si Polizna, sa kanyang account ng “used” single chicken nugget sa halagang 99 cents noong May 28. Nagmula, aniya, ito sa isang BTS combo meal ng McDonalds.

Makalipas ang dalawang araw, may user na nag-bid sa halagang $14,869.69 o P709,157 na pinagmulan ng isang bidding war para sa isang piraso ng chicken nugget.

Matapos ang 184 na bids, nabenta sa halagang $99,997 o P4,768,999 ang nugget.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens