Trending ngayon sa Twitter ang “Jollibee” at “Tulfo.”

Ilang netizens kasi ang hindi natuwa sa naging pagtalakay ng “Raffy Tulfo in Action” sa viral “jollitowel” issue.

Ayon sa isang netizen, ipinapakita lamang ng show na ang customer na nagreklamo “is no longer after justice, but after money.”

“The second thing was the pic allegedly from McDonald’s, saying that their competitors has ‘thrown in the towel.’ People saw it as a d*ck move. McDonalds PH denied it was from them.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, ilang online users naman ang nagsabing “over-reacting” na ang complainant.

“May point naman mag complain but dapat sa store sya nauna mag complain- then Jollibee head office if walang action. Tulfo or social media should be a last resort.”

Habang ilan din ang nagsabi na tila “failed” na talaga ang judiciary system ng bansa dahil Tulfo ang nakikita nilang makatutulong sa kanilang reklamo o problema.

Sagot ng isang netizen, “He is not the law, he just used the gurl to monetize his show.”

Marami ang naniniwala na sine-“sensationalize” lang ng show ang isyu para kumita.

“Tulfo is an opportunist. Quite good at it but it speaks a lot about the justice system in our country. Sad.”

Ayon sa isang concerned netizen hindi dapat masanay ang mga tao na maging takbuhan ang show ni Tulfo para sa lahat ng kanilang problema.

“It’s not right.”

Matatandaang nitong nakaraang araw, itinampok din ng “Raffy Tulfo in Action” ang pahayag ng kilalang fastfood company.

Sa nakalipas na mga buwan, marami nang celebrities ang humingi ng tulong kay Tulfo.

Meron ring kaso na inirereklamo naman ang celebrities.

https://youtu.be/yi-_zG2_nNc