Sinusubukan mailigtas nang buhay ng mga rescuers ang pitong minero na na-trap makaraan ang aksidente nitong Biyernes sa isang coal-producing region sa northern Mexico, pahayag ng awtoridad.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagguho sa minahan dahil sa baha sa municipality ng Muzquiz.

“Some people who were working were trapped inside the mine,” ayon pa sa pahayag.

Agad namang dumating sa lugar ang pulisya at civil protection authorities para mag-rescue.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa tweet ng National Guard sinabi nitong “personnel were deployed in the area to provide security and allow the rescue of trapped workers.”

Hindi na bago ang naturang aksidente sa pangunahing coal-producing region ng bansa, na ilang beses nang nagkaroon ng fatal mining accident sa nakalipas na mga taon.

Agence-France-Presse