Ang karahasan laban sa mga bata ay may iba't ibang anyo—pisikal, emosyonal, at sexual—at maging sa iba't ibang lugar tulad sa sariling bahay, komunidad, eskwelahan, at online. Sa Pilipinas, bago pa man ang pandemya, nakaranas na ang mga bata ng karahasan kahit sa bahay, sa eskwelahan, sa trabaho, sa komunidad, o maging habang nakikipag-date, ayon ito sa National Baseline Study on Violence against Children mula sa Council for the Welfare of Children at UNICEF Philippines.
Pinalala ng COVID-19 ang kahinaan ng mga bata sa karahasan at pananamantala. Sa buong mundo, halos 1.8 na bilyong mga bata nakatira sa 104 na bansa na kung saan ang pag-iwas sa karahasan at pagtugon sa serbisyo ay nagambala dahil sa COVID-19.
Sa Pilipinas, iniulat ng Office of the Cybercrime ng Department of Justice na tumaas ng 260 na porsyento sa cyber-tips na nauugnay sa online sexual exploitation at pang-aabuso sa mga bata. (OSEAC)
Ang mga sexual predators na nakakulong sa kanilang bahay dahil sa quarantine, ginamit ang cyberspace para makapang biktima ng mga bata. Dahil sa kahirapan dulot ng pandemya maraming mga pamilya ang lumahok sa mga online sexual trafficking para lamang mabuhay.
Ang pamahalaan ng Pilipinas na pinangungunahan ng Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, kamakailan na nagsagawa ng high-level dialogue kasama ang United Nations Special Representative on Violence Against Children (VAC) Dr. Najat Maalla tungkol sa progreso ng Philippine Plan of Action for End Violence Against Children 2017-2022 (PPA EVAC), para matukoy ang mga pagsubok sa pag-iwas at pagtugon sa karahasan laban sa mga bata, at matukoy ang mga aksyon na gagawin para maisakatuparan ang mga plano para sa mga bata sa panahon at pagkatapos ng pandemya.
Iba’t iba ang naging kalagayan ng bawat pamilya katulad ng paghihigpit sa paggalaw, kawalan ng kita, maraming tao, pagsasara ng eskwelahan at gambala sa mga serbisyo ay nagpalala sa panganib ng mental health sa bata at matanda, at sa pagttaas ng iba't ibang uri ng karahasan sa pamilya katulad ng domestic violence at pisikal at sekswal na pang aabuso sa mga bata.
Sa epekto ng COVID-19 sa mga bata. Binigyang-diin ni Dr. Najat ang mga pangangailangan para sa gobyerno na gamitin ang paggaling mula sa pandemya bilang oportunidad para sa “build back better with and of children.”
together all key stakeholders for increased public expenditure and partnerships on an integrated system of services for children, including for physical and mental health, education, child welfare and protection, and justice,” dagdag niya.
Kinumpirma ng gobyerno ng Pilipinas ang pangako nitong alisin ang karahasan sa mga bata na sumasalamin sa Convention on the Rights of the Child at key national policies and legislation.
Prayoridad din ng gobyerno na palakasin ang inter-sectoral coordination, pagpapatatag ng sistema para sa proteksyon sa mga bata sa antas ng nasyonal at lokal, magkakaroon ng koleksyon sa mga datos at pagsubaybay, pag-uulat at referral mechanisms at patuloy na pagpapalawak ng serbisyo para sa proteksyon ng mga bata.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang isang nakahahawang sakit ay nagdulot ng pagtaas ng trafficking sa mga bata. Ngunit naging pangunahing pinagkakakitaang krimen na ang trafficking sa mundo na apektado ng pandemya, na pumutol sa iba pang uri ng ilegal na aktibidad habang ang lockdown ay lumikha ng matinding panganib, na nagbibigay-daan sa susunod na henerasyon ng mga biktima ng human trafficking.
Sa panahong ito, kung saan marami ang nagdurusa sa epekto ng COVID-19 at ang kaugnay nitong epekto sa ekonomiya, mahalaga na manatiling tuon ng pamahalaan ang pagsugpo sa karahasan laban sa mga bata at trafficking—sa lokal at nasyunal na lebel, pagpapatupad ng batas, philanthropists, at ang pribadong sektor.
NGAYON na ang panahon upang iligtas ang mga bata.