Dalawang taong banned sa Facebook si former US president Donald Trump, bilang maximum punishment sa paglabag nito sa rules kaugnay ng marahas na pag-atake ng kanyang mga supporters sa US Capitol.

Epektibo ang parusa kay Trump mula nitong Enero 7, nang unang masuspinde ang account nito sa social media giant.

“Given the gravity of the circumstances that led to Mr. Trump’s suspension, we believe his actions constituted a severe violation of our rules which merit the highest penalty available under the new enforcement protocols,” pahayag ni Facebook vice president of global affairs Nick Clegg sa isang post.

Sa pag-a-update ng polisiya nito, inihayag ng Facebook na hindi na nito bibigyan ang mga politiko ng “blanket immunity” para sa deceptive o abusive content base sa kanilang komento.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Sa pagwawakas ng two-year ban ni Trump, magtatalaga ng mga eksperto ang Facebook upang i-assess kung nakaaapekto pa rin ang kanyang aktibidad sa kaligtasan ng pubiko, ayon kay Clegg.

“If we determine that there is still a serious risk to public safety, we will extend the restriction for a set period of time and continue to re-evaluate until that risk has receded,” ani Clegg.

Sa pag-alis ng suspension ni Trump, mahaharap naman ito sa mahigpit na sanction na maaaring magpabilis sa kanyang permanenteng pagkatanggal dahil sa rule-breaking, ayon pa kay Clegg.

Nitong nakaraang buwan, sinabi ng independent oversight board na makatwiran ang pagpapatalsik kay Trump sa Facebook para sa mga naging komento nito sa deadly January 6 rampage sa US Capitol ngunit hindi dapat ipinatupad ng social media giant “indeterminate and standardless penalty of indefinite suspension.”

Agence-France-Presse