Ipadadala ng space tourism company na Virgin Galactic si researcher Kellie Gerardi, isang kilalang personalidad sa mundo ng TikTok, sa space upang magsagawa ng experiments sa loob ng ilang minuto habang weightless.

Itinuturing n magandang pagkakataon ang hakbang na ito para sa kumpanya upang ipakita ang ambisyon nito na hindi lamang makapagpadala ng “wealthy tourists on pleasure rides” na nagkakahalaga ng higit $200,000, ngunit maka-advance rin sa siyensiya.

Naniniwala naman ang 32-anyos na bioastronautics researcher, na konektado sa International Institute for Astronautical Sciences (IIAS), na magtatagumpay ang industriya ng space tourism at makatutulong para “open up opportunities for researchers like myself.”

Ang unang eksperimento na isinagawa ni Gerardi, na may mahigit 400,000 TikTok followers at nasa 130,000 sa Instagram, ay ang “astro skin,” kung saan ikinakabit ang sensor sa loob ng kanyang flight suit upang kumolekta ng biometric data. Bagamat matagal nang ginagawa ang prosesong ito sa International Space Station, hindi pa nakapangangalap ng datos sa landing at takeoff.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Umaasa ang Virgin Galactic, na itinatag ng British billionaire nasi Richard Branson, na masimulan ang regular commercial suborbital flights sa unang bahagi ng 2022, na kalaunan ay planong magpatupad ng 400 trips kada taon.

Agence-France-Presse