Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hunyo ang Pride Month.
Kasabay nito, umuugong muli ang isyu hinggil sa pagsali ng mga transgender women sa beauty pageants na nilikha mainly para sa “natural born” na babae.
Para kay Miss Q&A titleholder Juliana Parizcova Segovia, hindi siya pabor dito.
Ayon kay Juliana, isang kilalang miyembro ng LGBTQ+ community, may iba pang mas appropriate platforms para sa kanila.
“Kung transgender kang contestant sa Miss Gay Barangayan at may sasali na tunay na babae, di ba magrereklamo ka?” paliwanag ni Juliana.
“Meron naman kaming sariling laban like Miss International Queen in Thailand na puwedeng paingayin at bigyan ng focus by holding a Miss Philippines International Queen local edition bago isabak sa Thailand,” dagdag pa niya.
Bago ito, ilang kandidata rin ng Miss Philippines Earth ang nagpahayag ng oposisyon sa ideyang ito.