Mukhang matutuloy na ang pagbabalik-showbiz ni Claudine Barretto.

At gagawin ito ng aktres kasama ang kanyang ex na si Mark Anthony Fernandez.

Ayon sa mga ulat, may tentatively title na “Deception” ang pelikula na ide-direct ni Joel Lamangan.

Patungkol ang kwento nito sa isang dating aktres na nahihirapang buuing muli ang sarili matapos ma-convict sa kasong parricide at arson.

Produced ng Viva Films at Borracho Entertainment, inaasahang sisimulan ang paggawa ng pelikula ngayong buwan sa probinsiya ng Pampanga.

Events

Host ng 'Ipaglaban Mo!' na si Atty. Jose Sison, pumanaw sa edad na 88

Samantala, kailangang munang sumailalim ni Claudine sa quarantine matapos ma-exposed kamakailan sa isang COVID-19 positive.