Tuluy-tuloy ang maigting na paghahanda ni Filipino pole vaulter EJ Obiena para sa nakatakda niyang pagsabak sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Aniya, nakatuon lang muna siya sa pag-eesanyo sa posibilidad na magtagumpay sa sasalihang kumpetisyon.

Sa pinakahuling kompetisyon na kanyang nilahukan, nakamit ni Obiena ang gold medal sa Folksam Grand Prix-Goteborg 2021 sa bansang Sweden.

Nakuhang talunin ni Obiena ang baras na may taas na 5.70 meters sa una niyang attempt upang masungkit ang gold medal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natalo nya si reigning Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil na nagkasya lamang sa silver sa naitala nitong 5.65 metérs.

Tumapos namang pangatlo sa kanila si Paul Haugen Lillefosse ng Norway na nakapagtala naman ng 5.60 meters.

Tinangka pa ni Obiena na talunin ang baras na itinaas sa 5.80 meters ngunit bigo sya sa kanyang tatlong attempts at nabigo rin sina Braz at Lillefose sa tangka nila na matalon ang taas na 5.75 meters.

Marivic  Awitan