BAGUIO CITY – Sa nakalipas na 13 taon, nakapagtala na ang Summer Capital ng Pilipinas ng 88 kaso ng

Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Ito ang kinumpirma ni Assistant City Health Officer Dr. Celia Brillantes, ng Baguio AIDS Council (AWAC).

Ang mga nasabing pasyente aniya ay nasa pangangalaga na ng Regional Health and Wellnes Center HIV treatment hub.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Aabot aniya sa 72 sa nasabing bilang ang nahawaan ng naturang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Nasa 68 aniya sa mga ito ang kasalukuyang ginagamot matapos makatanggap ng libreng blood tests at chest x-ray. Gayunman, sinabi nito na kailangan pa nila ang CD4 CT machine upang masuri ang kanilang immunity levelsupang makumpleto ang pagsusuri.

Zaldy Comanda