QUEZON - Walo ang naiulat na nailigtas nang lumubog ang sinasakyang dalawang bangkang de-motor matapos hampasin ng malalaking alon sa kasagsagan ng bagyong ‘Dante’ sa magkakahiwalay na lugar nitong Miyerkules

Sa ipinadalang ulat sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakilala ang walo na sina Nicanor Pasion, 63, taga-Brgy. 8, Poblacion, General Luna, Quezon; Renato Peñaredonda, 37; Domingo Paz, 44, janitor, Ferdinand Peñaredonda,42, pawang taga-Brgy. Maniwaya, Sta. Cruz, Lorenzo Garbo, 58; Robert L Lucero, 59; Romart Lucero,18, binata at Kent Laguartilla, 12, pawang taga-Brgy. Camflora, San Andres, Quezon.

Sa ulat, ang naunang apat ay sakay sa bangkang-de-motor naglalayag sa karagatang sakop ng General Luna sa kasagsagan ng bagyo nang hampasin ng malalakas at malalaking alon ang kanilang bangka hanggang sa ito ay lumubog.

Kaagad naman silang nasagip ng mga tauhan ng Gen. Luna Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at 85th Infantry Battalion.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nangingisda naman ang apat pa sa mga ito sa Sombrero Island sakop ng Brgy. Talisay, San Andres, Quezon nang maabutan sila ng sama ng panahon kaya lumubog din ang sinasakyang bangka.

Nasagip din sila ng mga rescue team mula sa bayan ng San Andres local government.

Danny Estacio