LAGUNA - Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng robbery at kidnap group ang napatay ng pulisya nang lumaban umano ang mga ito sa Calamba City, Laguna, nitong Huwebes ng hapon.

Kinikilala pa ng mga tauhan ni Police Regional Office 4A director Brig. Gen. Eliseo Cruz, ang mga napatay.

Gayunman, sinabi ng opisyal na sangkot umano ang dalawa sa pagdukot sa isang Chinese na ngtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Naulat na bago ang insidente, tumanggap ng ulat ang grupo ng Intelligence Division-National Capital Region kaugnay ng umano'y dinukot na isang Chinese.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Bago ang insidente, tumanggap ng ulat ang pulisya kaugnay ng umano'y dinukot na isang Chinese sa Aseana, Parañaque City at isinakay sa isang puting Toyota Hi-Ace (WQT-786) van. Dahil dito, kaagad na nagsagawa ng operasyon ang grupo ng Regional Intelligence Division-Anti-Carnapping Unit sa Southern areang National Capital Region.

Dakong 2:30 ng hapon nang mamataanng mga pulis ang nasabing van sa bahaging Southern Luzon Expressway (SLEX) exit sa Cabuyao.

Huminto umano ang sasakyan nang parahin ng pulisya, gayunman, bigla itong pinaharurot ng mga suspek habang binabaril ang tumutugis na mga pulis.

Bilang depensa, nakipagbarilan din ang mga pulis hanggang sa bumulagta ang mga suspek.

Danny Estacio