Iniulat ng China nitong Martes ang unang kaso sa mundo ng human infection ng H10N3 bird flu strain, bagamat ang panganib na kumalat ito sa tao ay mababa.

Isang 41-anyos ang dinala sa ospital na may sintomas ng lagnat sa eastern city ng Zhenjiang nitong Abril 28 at na-diagnosed na may H10N3makalipas ang isang buwan, pahayag ng National Health Commission (NHC) ng China.

“The risk of large-scale spread is extremely low,” ayon sa NHC, at nasa stable condition naman ang pasyente habang walang naitalang “abnormalities” ang close contacts nito.

Inilarawan din NHC ang H10N3 bilang low pathogenic — na hindi nagdudulot ng pagkamatay o malalang sakit—sa mga ibon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Wala pa, anilang, naitalang kaso ng tao ng H10N3 sa mundo.

Taong 2017 pa huling nagkaroon ng human epidemic ng bird flu sa China, ang H7N9 virus.

Agence-France-Presse