Okay lang sa musikerong si Ely Buendia na maikumpara sa aktres na si Agot Isidro.

Ito ang reaksyon ni Buendia nang tawagin siya ng isang online user na male version ng singer-actress.

“I wonder if the politicians still think that Global Warming is a myth,” tweet ng former frontman of The Eraserheads.

Reaksyon ng netizen: “Ely Buendia is becoming a male version of Agot Isidro.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Agot

Pero para kay Ely isa itong “compliment.”

Vocal ang aktres na hindi nito gusto ang pamahalaan.

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Ago tang kanyang opinyon sa pagsusuot ng face shield. Naniniwala ang aktres na hindi ito na katutulong para maiwasan ang coronavirus. Gumamit pa ito ng hashtag na “#uselessordinance.”

Bago ito, isa si Agot sa ilang celebrities na nanggalaiti nang ideklara ni Pangulong Duterte ang intension nito na balewalain ang anumang franchise application para sa ABS-CBN.

Samantala, trending naman kamakailan si Ely sa kanyang back-to-back revelation hinggil sa kuwento sa likod ng “Spoliarium,” at ang paglilinaw na hindi sila naging magkaibigan ng Eraserheads members.